^

Probinsiya

Lolo sinapok ng senglot, todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Napatay ang 61-anyos na lolo na sinasabing umawat sa away ng kanyang apo makaraang sapukin ng senglot na kapitbahay kamakalawa ng hapon sa Barangay San Agustin, Trece Martirez City sa Cavite. Napatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Redentor Ramos ng  Purok 10 habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Marcus Pangilinan, 41, ng nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, kinompronta ng suspek ang apo ng biktima kaugnay sa personal na alitan subalit namagitan ang matanda. Gayunman, pinagbalingan ng galit ng suspek ang biktima saka sinapok ito ng dalawang ulit. Bulagta ang biktima habang tumakas naman ang suspek. Kaagad na naisugod sa pagamutan ang matanda subalit namatay din makalipas ang ilang oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with