^

Probinsiya

Welder kinatay ng 2 kasama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Napatay ang 38-anyos na welder matapos itong pagtulungang pagtatagain ng dalawang kasamahan sa trabaho kaugnay sa sinasabing paniningil ng utang sa Barangay Layog sa bayan ng Barcelona, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Rodolfo Jebulan ng Barangay Salog habang agad namang naaresto ang mga suspek na sina Pedro Dioneda, 38; at Armando Escauriaga, 51, kapwa nakatira sa Barangay Carriedo sa bayan ng Gubat. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nag-uusap ang tatlo kaugnay sa paniningil ng pautang nang biglang sumiklab ang mainitang pagtatalo. Pinagtulungang pagtatagain ng mga suspek ang biktima hanggang sa duguang bumulagta. Narekober sa mga suspek ang itak na ginamit sa pananaga habang sinampahan ng kaukulang kaso ang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with