Most wanted balik-selda
BULACAN , Philippines — Balik-selda ang 33-anyos na most wanted sa kasong murder matapos itong masakote sa pinagtaguang bahay sa Barangay Pitpitan sa bayan ng Bulakan, Bulacan noong Biyernes ng gabi. Hindi na nakapalag ang suspek na si Anthony “Tony” Simangon ng nabanggit na barangay. Ayon kay P/Supt. Jacqueline Puapo, si Simangon ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Wilfredo Nieves ng Regional Trial Court Branch 84 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa. Sa record ng pulisya, napatay ng suspek ang magsasakang si Marvin Masgong noong Hunyo 16, 2014. Nakatakas si Simangon makaraang samantalahin ang ibinigay ng pribilehiyong living-out prisoner.
- Latest