^

Probinsiya

P3.4-M Christmas bonus ng mga kawani, tinangay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P3.4-M Christmas bonus ng mga kawani, tinangay

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkakasama sina Betito, bodyguard nito at dalawa pang kawani ng munisipyo na nag-withdraw ng malaking halaga sa LandBank of the Phils. sa Barangay Sta. Cruz, Naga City. File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —Umaabot sa P3.4 mil­yong Christmas bonus ng 115 kawani  ng munisipyo ang naglaho makaraang tangayin ng bodyguard ng municipal treasurer sa Naga City, Camarines Sur noong Martes ng umaga.

Pinaghahanap na ang suspek na si Melchor Abra­zado, sinasabing dating administrative assistance ni Tinambac Mayor Ruel Tuy sa loob ng 18 taon bago naging bodyguard ni Ma. Theresa Hermogenio-Betito.

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkakasama sina Betito, bodyguard nito at dalawa pang kawani ng munisipyo na nag-withdraw ng malaking halaga sa LandBank of the Phils. sa Barangay Sta. Cruz, Naga City.

Gayunman, nang iabot ng teller ng banko kay Betito ang P 3, 426, 340.55 ay inilagay nito sa bag saka ibinigay kay Abrazado.

Kaagad na nagpaalam ang suspek para tawagin ang kanilang drayber pero makalipas ang isang oras ay hindi na ito bumalik.

Sinubukang tawagan ang suspek sa kanyang cellphone pero hindi na makontak kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya.

Isinailalim naman sa imbestigahan ng pulisya ang mga kasamahang kawani na nag-withdraw ng mala­king halaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with