PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tserman itinumba ng tandem

QUEZON  , Philippines  —   Itinumba ang 50-anyos na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bakuran ng bahay ng kaibi­gang babae sa Pleasantville Subd. sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon kahapon ng umaga.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Chairman Eduardo “Paga” Berina ng nasabing barangay.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Lucena City police station, naitala ang krimen dakong alas-6:45 ng umaga sa harapan ng bahay sa Amethyst Street, Phase 2 sa nasabing subdivision.

Sa pahayag ng mga testigo na nakarating kay P/Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon police director, nasa gate ng bahay ng kaibigang babaeng ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tandem gunmen.

Nagawa pang makatakbo ng biktima papasok sa gate subalit sinundan ito ng gunman saka pinutukan ng dalawang ulit sa ulo.

Nabatid na bago ito ay pinaplano ng biktima na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa Huwebes (Nob. 23).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa pulisya, ang biktima ay sinasabing hiwalay sa legal nitong misis na nakatira naman sa Brgy. Ibabang Iyam sa nasabing lungsod.

Sinisilip ng pulsya ang mga anggulong may kinalaman sa love triangle, personal na alitan at pulitika ang pamamaslang sa biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: