PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 pulis kinidnap ng NPA rebs

Kinilala ni P/Chief Supt. Rolando Felix, director ng Caraga police ang mga kinidnap na sina PO2 Alfredo Lauro Degamon Jr. at PO2 John Paul Mondaya Doverte, kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan. File

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  makaraang salakayin ang police outpost na minamando ng mga nagpapatrul­yang awtoridad sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bad-as, bayan ng Placer, Surigao del Norte noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Rolando Felix, director ng Caraga police ang mga kinidnap na sina PO2 Alfredo Lauro Degamon Jr. at PO2 John Paul Mondaya Doverte, kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan.

Base sa police report na nakaraitng sa Camp Crame, naitala ang insidente bandang ala-1:40 ng hapon habang nagbabantay ang dalawa sa police outpost nang masorpresa ang mga ito ng mga armadong rebelde na naka- camouflage uniform ay inakala pa ng mga nagbabantay na pulis na mga sundalo.

Walang nagawa ang dalawang pulis matapos na tutukan ng baril at disarmahan ng mga rebelde saka isinakay sa nakaparadang van.

Agad na tumakas ang mga rebelde tangay ang dalawang pulis patungo sa direksyon ng bulubunduking bahagi ng Barangay Mabini.

Nagsasagawa na ang search and rescue operations ang mga tauhan ng pulisya at Army’s 30th Infantry Battalion upang masagip ang dalawang bihag.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: