^

Probinsiya

Negosyante dinukot sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —   Pinaniniwalaang kapwa Indian national ang dumukot sa 44-anyos na negosyante na nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Putol-Magdalo Road sa Barangay Putol, bayan ng Kawit, Cavite, kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Harjinder Singh “Jhonny” Talwar, may asawa, ng  Block II, Lot 29-30, Carenville Subd. sa nasabing barangay. Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, dumulog sa himpilan ng pulisya ang asawa ng biktima para humingi ng tulong sa pagkakadukot sa kanyang mister. Nabatid na hinarang ng mga kalalakihang lulan ng Toyota Innova (AAB 7376), hinarang ng grupo ng lalaki ang biktimang nagmomotorsiklo saka isinakay sa nasabing sasakyan. Sa kasalukuyan ay wala pa ring natatanggap na tawag o text messages ang pamilya ng biktima sa mga kidnaper.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with