^

Probinsiya

Amok tinadtad ng kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, QUEZON, Philippines — Nakakuha ng katapat ang isang lasing na amok matapos siyang mapatay sa taga ng kanyang kapitbahay sa Purok 7, Brgy. Villa Arcaya, kamakalawa ng tanghali.

Halos maputol ang kamay at  biyak ang ulo ng biktimang si Ernesto Itable, 67, may asawa habang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Nestor Fortuna, 44, biyudo.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng tanghali habang nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang suspek nang pasukin ng nagwawalang biktima na armado ng patalim at lasing na lasing.

Pinagsasaksak umano ng biktima ang suspek subalit makailang beses na nakailag hanggang sa makakuha ng gulok sa kusina ang huli at saka pinagtataga ang nag-aamok na kapitbahay.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pag-aamok ng biktima at ang motibo sa tangka nitong pagpaslang sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with