^

Probinsiya

Puno ng niyog nabuwal: Nene pisak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang madaganan ng nabuwal na puno ng niyog ang kanilang tahanan sa Pangutawan, Sulu sanhi ng malakas na hangin at mga pag-uulan sa pananalasa ng bagyong Paolo kahapon.

Sa report ni Office of Civil Defense (OCD) ARMM Director Raylindo Aniñon, kinilala ang nasawing biktima na si  Nor Azzizah Ganin. Ang dalawang nasugatan na mabilis namang dinala sa pagamutan ay nakilalang sina Aldren Pedring, 8 at Amisa Pednong, 6-anyos.

Ayon kay Aniñon, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng mga biktima. 

Samantala, nasa 193 ka­bahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales ang napinsala sa malakas na paghangin sa Sulu na nakaapekto sa sampung munisipalidad sa lalawigan.

Sinalanta naman ng flashflood o mga pagbaha ang 53 barangays kung saan aabot sa 15,966 pamilya o kabuuang 79,830 katao ang naapektuhan sa pitong munisipalidad ng Maguindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with