^

Probinsiya

Parak tinarget ng pen gun, binatilyo nabaril sa ulo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang binatilyo matapos na hinihinalang mabaril at masapol ng bala sa ulo ng isang nag­respondeng parak nang maaktuhan ang una na nagnanakaw ng mga bakal na pangkalakal at tinarget pa ng pen gun ang nasabing pulis sa Old Terminal ng Singcang Airport, Bacolod City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang sugatang menor-de-edad na si Archie Pilonco, 17 taong gulang na patuloy na isinasalba ang buhay sa tinamong tama ng bala sa ulo sa Bacolod City General Hospital.

Sa report, sinabi ni Supt. Gilbert Gorero, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 6, dakong alas-4:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa lumang paliparan. Ito’y sa gitna  na rin ng umiiral na gun ban sa Masskara Festival 2017 sa lungsod. Ang nasabing festival ay nagbukas noong Oktubre 1 at magtatapos sa Oktubre 22 ng taon.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nagpapatrolya sa lugar ang mga operatiba ng Bacolod City Police nang maaktuhang nagnanakaw ng bakal na pangbenta sa junkshop si Pilonco sa lumang terminal ng Cebu Pacific sa lungsod. Agad na bumaba sa patrol car si PO2 Ryan Sagon at sinita ang binatilyo pero pinaputukan umano siya nito ng pen gun, isang uri ng improvised firearm na masuwerte namang hindi tinamaan ang parak.

Nagtatakbo umano patakas ang binatilyo kung saan ayon sa mga pulis ay nagpaputok ng warning shot si Sagon, na isa rito ay tumama sa ulo ng biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with