Nurse dedo sa motorbike crash
NORTH COTABATO, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa Davao del Sur Provincial Hospital ang isang nurse makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur kamakalawa. Base sa police report, nagmomotorsiklo ang biktimang si James Paul Cambronero nang makasalpukan nito ang motorsiklo ni Rolando Tolentino.
Naisugod naman sa nasabing ospital ang dalawang motorcycle riders subalit idineklarang patay si Cambronero. Habang si Tolentino naman ay patuloy na nagpapagaling sa ospital. Nasa kustodiya na rin sa Hagonoy police ang motorsiklo ng dalawa.
- Latest