^

Probinsiya

Totoy, 10 pa timbog sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite City, Philippines — Isang batang lalaki na menor-de-edad at sampung katao ang naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust ng pulisya sa isang bahay na ginawang drug den ng mga ito kamakalawa ng gabi sa lunsod ng Bacoor.

Ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong Violation of RA 9165 ay kinilala ng pulisya na sina Jocelyn Igaya alyas  “Nene”, 39-anyos; Jaymarie Villecia alyas “Marie” Demetrio Bonghanoy alyas “Erap”, 33-anyos; Albert Octabiano alyas “Bert”, 44-anyos; Reggie Valdez 18-anyos; Nilo Ambrad; Robert Gregorio, 32-anyos; Junar Ranos, alyas “Boy pick-up”, 34-anyos; Joven Delos Santos, 37-anyos at si Ruel Cartahinas, 45-anyos, pawang mga residente ng Molino Bacoor at Las Pinas City at ang menor-de-edad na kinilala lamang sa panga­lang “John”.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:35 ng hatinggabi nang ikasa ng Bacoor Police ang buy-bust operation sa Brgy. San Nicolas matapos na makatanggap ng report na isang bahay ang ginawang drug den ng mga suspek at lantarang pagbebenta at paggamit ng droga.        

Naaktuhan ng pulisya ang mga suspek na gumagamit ng droga sa loob ng bahay na pag-aari ng suspek na si Jocelyn Igaya.

Habang hinahalughog ang kabahayan, hindi makapaniwalang ang isa sa mga suspek sa loob ng drug den ay isang bata na siyang ginagawang runner ng mga suspek.

Narekober dito ang mga 6 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with