^

Probinsiya

Rapist ng 11-anyos nene inutas ng ka-live-in

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang galit ng 32-anyos na ina makaraang paslangin sa saksak ang kaniyang ka-live-in na sinasabing humalay sa kaniyang 11-anyos na anak na babae sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Lorence Maribohok, 29, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Genie Escarda bandang alas- 9 ng umaga ilang oras matapos ang krimen.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, sinamantala ng suspek na natutulog ang ka-live-in nang undayan nito ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Base sa imbestigasyon, naaktuhan ng suspek ang biktima na ginagahasa ang kaniyang 11-anyos na anak na itinago sa pangalang Maribel noong Huwebes (Hulyo 13).

Gayunman, kinimkim ng suspek ang matinding galit dahil sadista ang kanyang ka-live-in at kalimitan siya nitong sinasaktan kahit sa munting pagkakamali.

Nang makakuha ng pagkakataon ang suspek ay ibinuhos nito ang galit sa ka-live-in hanggang sa mapatay sa saksak habang tulog.

Lumilitaw pa sa imbes­tigasyon na halos isang taong sex slave ng biktima ang dalagita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with