6 tiklo sa anti-drug operation
LUCENA CITY, Quezon – Anim-katao ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na anti-drug operation sa dalawang barangay sa Lucena City, Quezon kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Renante Logmao ng Barangay 9; Gracelle Bejermino ng Barangay Domoit; Marvin Lee, Rodrigo Ladiero, Jason Alfuerto, at si B Jay delos Santos. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr., chief of police sa Lucena City, nasakote ng grupo ni P/Supt. Marlowe Torina sina Logmao at Bejermino sa Barangay Ibabang Dupay kung saan nasamsam ang 16 plastic sachet ng shabu at motorsiklo na ginamit sa drug trade. Naaresto naman sa KM 127 Hotel sa Barangay Isabang sina Lee, Ladiero at si Alfuerto kung saan nasamsam ang 5.36 gramo ng shabu. Maging ang trike driver na si delos Santos ay naaresto sa Dalahican Road, Barangay Ibabang Dupay kung saan nasamsam ang 1 gramo ng shabu.
- Latest