^

Probinsiya

Driver inutas dahil sa sigarilyo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines – Napatay ang 40-an­yos na driver matapos itong saksakin ng kanyang pahinante dahil lamang sa sigarilyo sa Barangay Calitlitan, bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya noong Sabado ng gabi. Kinilala ang napatay na si Dindo Soriano ng Barangay Dumpao, Iguig, Cagayan habang sumuko naman ang suspek na si Donato Manauay, 46, ng Barangay Baggay, Tuguegarao City. Lumilitaw na pansamantalang pumarada sa gilid ng highway ang trailer trak (WBQ107) ng biktima kung saan nag-inuman muna kasama ang suspek at iba pang kasamahan. Gayunamn, humingi ng sigarilyo ang biktima na tinanggihan naman ng suspek kung saan nauwi sa pagtatalo hanggang sa maganap ang pananaksak. Naisugod pa sa Dr. Valera Clinic ang biktima subalit idineklara itong patay dahil sa dalawang saksak sa kaliwang dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with