Construction worker, itinumba
CAVITE, Philippines - Napaslang ang 42-anyos na construction worker matapos itong ratratin ng dating nakaalitan kamakalwa ng hapon sa Barangay Caridad sa Cavite City, Cavite. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Christopher Honrada ng Mabini Street sa nasabing barangay.Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Richard Colarte ng #901 Soriano Street sa nabanggit na barangay. Base sa policed report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagkasalubong ang biktima at suspek na may kinikimkim na matinding galit. Gayunman, kinompronta ng suspek ang biktima na nauwi sa pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest