^

Probinsiya

Biyuda hulog sa motorbike, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Patay ang 57-anyos na albularyang biyuda makaraang pumulupot ang kanyang belo sa gulong ng motorsiklo at tuluyang mahulog sa kalasda, kamakalawa ng umaga sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Baguio, Tayabas City, Quezon. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo ang biktimang si Rodita Millar Leanillo ng Barangay Lalo. Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Rex Gaoiran, chief of police, nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang anak na si Richard Leanillo ng lumawit ang dulo ng suot na mahabang belo. Gayunman pumulupot sa gulong ang belo saka tuluyang nahatak at nahulog ang biktima. Mabilis na dinala sa ospital ang biktima subalit nalagutan ng hininga pagkalipas ng dalawang oras. Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang anak ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with