^

Probinsiya

Nawawalang tanod tinuklaw ng ahas, tigok

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nagtapos ang dalawang araw na paghahanap sa nawawalang barangay tanod na namatay sa tuklaw ng ahas habang nagdudumi sa masukal nilang bakuran sa Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Sa report kay Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police, natunton ng mga kaanak ni Felimon Andres, 59, ang naaagnas nitong bangkay sa taniman ng saging, may 50 metro ang layo sa likuran ng kanilang bahay.  Ayon sa report, napilitang dumumi sa kanilang bakuran si Andres nang hindi nito mahintay lumabas ang kanyang misis na naunang pumasok sa kanilang palikuran. Sinabi ni PO2 Alexander Guzman na  nakababa pa ang salawal ng biktima nang kanilang matagpuan sa lugar. Pinaniniwalaang cobra na may matinding kamandag ang tumuklaw sa biktima na agad niyang ikinamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with