Hepe ng San Pedro Police sinibak
MANILA, Philippines – Sinibak ang hepe ng San Pedro City Police sa lalawigan ng Laguna ngayong Miyerkules kasunod ng pagpuga ng anim na drug suspects.
Iniutos ni Region 4 police director Mao Aplasca ang pagpapatalsik kay Superintendent Harold Depositar at kay on duty jailer PO2 Jobencio Piodo.
Si Superintendent Zeric Soriano ang nakatakdang pumalit sa babakantehing pwesto ni Depositar.
Nakilala ang mga pugante na sina fugitives Benjo Lopena, Mark Joseph Alviar, Jordan Ibanez, Ed Nino Hernandez, Arvin Basilan na pawang nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Nakasama rin sa pagtakas ang isa pang presong nakilalang si Rey Erenia.
Binigyan ni PNP Chief Director Gen Ronald dela Rosa ng 24 oras si Depositar upang madakip ang mga pugante ngunit hindi niya ito natupad.
- Latest