^

Probinsiya

Militar vs NPA: Sundalo, 3 pa utas!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines – Apat katao ang patay kabilang ang isang sundalo matapos na magka-sagupa ang tropa ng militar at mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang magka-engkwentro sa Brgy Licoan, Sumilao sa lalawigan ng Bukidnon kahapon.

Ayon kay 403rd IB civil military operations head Capt Norman Tagros, nasa 20 rebelde  ang naka-engkwentro ng kanyang mga tauhan sa ilalim ng 1st Special Forces Batallion.

Sinabi naman ni Tagros na isa ang namatay sa kanyang hanay na kinilalang si Cpl Judy De Leon, ng Cagayan Valley Province habang ang tatlong rebelde ay hinihinalang inilibing ng kanilang kasamahan sa masukal na lugar.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng militar ang mga rebeldeng nakatakas at nagpapatuloy ang ginagawang clearing operations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with