PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

34 umano’y Abu Sayyaf members tiklo sa Sulu

MANILA, Philippines – Patay ang isang drug trafficker, habang arestado ang 34 na pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul sa Sulu.

Nakilala ang nasawing si Jah Addul na namatay matapos makipaglaban sa mga pulis at sundalo sa Barangay Danag sa Patikul.

Tangka ng mga awtoridad na matunton si Namil Ahajari na pinaghahahanap para sa heinous offense at criminal cases. Nagkaengkwentro nang magpaputok ang mga kasamahan ni Ahajari na kabilang sa bandidong grupo.

Bukod sa mga naaresto ay nakakumpiska ng shabu, armas at mga bala ang mga awtoridad.

Nakakulong ngayon sa Sulu provincial police office ang mga suspek.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: