PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aussie trader inutas ng helper na sinibak

MANILA, Philippines -  Dahil sa matinding pagkadesperado matapos na sibakin sa trabaho dahil sa pagsiping sa kasambahay na babaeng kasintahan, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang binatang helper ang kanyang among negosyanteng Australian sa Barangay To-oy, Himaymaylan City sa Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Governor Valeriano Gatuslao Memorial Hospital ang biktima na si Warren Hill, 74, may-ari ng Woodhenge Fresh Eggs Corps.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Robert Flores, 20, ng Barangay Carol-an, Kabankalan City.

Sa ulat ng Negros Occiental Police na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas -12:45 ng hapon sa bahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, kinastigo ng biktima ang suspek matapos na mabatid na tinatabihan nito sa pagtulog ang kaniyang kasambahay na babaeng si Evelyn Rivera na humantong sa mainitang pagtatalo.

Nabatid na dahil sa pangyayari ay sinibak ng biktima ang suspek pero bumalik ito at kinompronta ang among umano’y pakialamero.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek kung saan humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: