^

Probinsiya

Killer ng manugang, arestado

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Arestado ang sinasabing most wanted person na pumatay sa kanyang manugang makaraang isagawa ang operasyon sa Barangay Sinibaran, bayan ng Matnog, Sorsogon, kahapon ng umaga. Pinangunahan ni P/Chief Inspector Jeric Don Sadia, acting chief of police, ang pag-aresto sa suspek na si Reynaldo Generalo Sr., base sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Adolfo Fajardo ng Irosin Regional Trial Court Branch 55. Batay sa record ng pulisya, ang suspek ay itinuturong pumatay sa kanyang manugang na babae. Base sa tala ng pulisya, tinangkang halayin ng suspek ang biktima subalit manlaban ito kaya sinaksak hanggang sa mapatay noong Hulyo 22, 2016 ng madaling araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with