^

PSN Palaro

Final 4 cast kinumpleto ng IEM, Champion

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na ang Final Four sa 2016 Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference matapos mahablot ng Instituto Estetico Manila at Champion Supra ang huling dalawang tiket sa susunod na yugto.

Kinailangan ng IEM Volley Masters na itakas ang 25-17, 25-23, 23-25, 22-25, 15-10 panalo laban sa Philippine Army Troo­pers na siyang naging daan para awtomatikong hatakin ang Champion sa semis.

Umangat sa 3-2 ang Volley Masters sa ikatlong puwesto sa ilalim ng Philippine Air Force (4-0) at Cignal TV (4-1) na nauna nang nakasiguro ng puwesto sa Final Four.

Nasa ikaapat naman ang  Champion tangan ang 2-2 baraha.

Tuluyang namaalam sa kontensiyon ang Army Troopers na nahulog sa 1-4 marka gayundin ang 100 Plus na walang naipanalo sa limang pagsalang.

Pinamunuan ni Khenno Franco ang balanseng atake ng Volley Masters nang magtala ito ng 16 puntos mula sa 12 attacks, dalawang blocks at dalawang aces habang sumuporta si Edan Canlas na naglista ng pitong hits at dalawang blocks.

Nagdagdag ng walo si Christian Anthony Arbasto, pito kay Jason Canlas at tig-anim sina Michael Zamora at John Paul Torres gayundin ng 30 excellent sets ni Patrick Vecina.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Miyerkules tampok ang paghaharap ng Champion at Air Force upang madetermina ang puwestuhan sa Final Four.

vuukle comment

SPIKERS’ TURF SEASON 2 REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with