^

Metro

‘Oplan Zombie’ sa North Cemetery: 1 utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang drug pusher sa loob mismo ng sementeryo sa isinagawang ‘Oplan Zombie’ sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Marlon Mallorca, hepe ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) ang nasawi na si  Daniel Adriano, 19, na­ka­t­ira sa loob ng Manila North Cemetery, dahil sa tinamong tatlong tama ng bala ng baril.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Santiago Pascual, hepe ng Manila Police District-Station 3, nagsagawa ng ‘Oplan Zombie’ sa nasabing sementeryo upang linisin sa masasamang elemento ang libingan na inaasahang dadagsain ngayong Undas. Dakong alas-4:45 ng madaling araw nang manlaban umano ang suspek na naaktuhang nagtutulak ng droga   sa bahagi ng Area 29.

Natiyempuhan umano ng mga operatiba na nagraratratan pa ng shabu sa loob ng tinutuluyang shanty ng suspek. Naispatan ng mga ito ang papalapit na awtoridad na agad nilang pinaulanan ng putok ng baril.

Dito na gumanti ng pagpapaputok ang mga pulis na ikinatama at ikinasawi ni Adriano habang nakatakas ang iba pa nitong kasamahan.

Nakatakas ang iba pa at 3 lamang ang nabitbit sa presinto.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 baril, ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

OPLAN ZOMBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with