^

Probinsiya

Negosyante na asset sa droga, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang 48-anyos na negosyante na sinasabing asset ng pulisya kontra droga matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Upper Kinasang-an, Cebu City sa Cebu kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Charito Matiko, may-ari ng Janice Enterprise, isang lumberyard sa nasabing lugar. Sa ulat ng Cebu City PNP na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang naglilinis sa harapan ng kaniyang establisyemento nang lapitan at ratratin ng gunmen bandang alas-6 ng umaga. Si Matiko na sinasabing asset ng pulisya laban sa droga ay nakunan ng identification card na may lagda ni P/Supt. Rex Derillo na inaakusahang tumatanggap ng payola mula sa pinaghihinalaang drug lord na si Franz Sabalones. Narekober naman ang cal. 45 pistol na nakasukbit pa sa baywang ng biktima na may mga bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with