Isa pang drug suspek, pinabulagta
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa pang drug suspek na sinasabing dumalo sa Bible study sa presinto ng pulisya ang napatay matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Bayubay, bayan ng San Vicente, Ilocos Sur kamakalawa.? Kinilala ni P/Chief Insp. Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang biktima na si John Maverick Yu, 22, ika-3 sa drug personality at sumawsaw sa programang “Oplan Tokhang” ng pulisya kamakailan.? Nabatid na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pagtitipon na inorganisa ng hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Monette Balderas nang pagbabarilin ng tandem. Naisugod pa sa Metro Cooperative Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest