5 adik arestado sa pot session
CAMARINES NORTE, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang limang durugista makaraang maaktuhan sa pot session sa sinalakay ng pulisya na abandonadong bahay sa Purok 7, Barangay 4, Mantagbac sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/ Supt. Wilmor Halamani, acting chief of police ang mga suspek na sina Alex “Tari” Herico, Jonathan “Athan” Canapit, 44; Conrado Barcelona Jr., 33; Arnel Panuelos, 31; at si Jonel Camo, 37. Nasamsam sa mga suspek walong plastic sachets na naglalaman ng shabu, at mga drug paraphernalia.
- Latest