Electrician tepok sa killer truck
CAVITE, Philippines – Patay ang 37-anyos na electrician, makaraang salpukin ng cargo truck ang kanyang van sa kahabaan ng CM Delos Reyes Avenue sa Barangay Javalera, bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Alexander Bacila ng Barangay Bucal sa bayan ng Amadeo, Cavite. Arestado naman ang driver ng cargo truck na si Jowely Baliber, 36, may asawa, ng Brgy. Uno, Amadeo, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, sinalpok ng cargo truck (AMA 4093) ang Nissan Urvan van ng Havanna Transport Service Corp. pagsapit sa kurbadang highway dakong alas-4:30 ng madaling araw.
- Latest