^

Probinsiya

Anak pinatay ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang driver ng van matapos itong barilin ng sariling ama sa gitna ng mainitang pagtatalo sa kanilang bahay sa Lipa City, Batangas noong Martes ng tanghali.

Napuruhan sa kaliwang taynga na naglagos sa kaniyang ulo ang biktimang Dennis Custodio.

Arestado naman ang suspek na si Amadillo Custodio, 68, kapwa nakatira sa Purok 6, Barangay Pingtung-ulam sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Supt. Barnard Dasugo, hepe ng Lipa City PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Custodio.

Ayon sa imbestigasyon, galit na kinompronta ng matandang Custodio ang anak dahil sa pag-iinom  ng alak.

Gayunman, sinagot ng biktima ang ama na pera naman niya na pinag­paguran ang kaniyang ibi­nibili ng alak at hindi siya nanghihingi ng pera sa ama.

Dito na nagsimula ang mainitang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa magalit ang matanda at agad pinaputukan ang anak na nasapul sa kaliwang taynga na naglagos sa ulo.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 22 rifle na ginamit sa krimen.

vuukle comment

GIRO D’LUCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with