^

Probinsiya

Barangay chairman, itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang isang barangay chairman habang kritikal naman ang kasama nitong tribal chieftain matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Kilometer 82, Barangay Marber sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur. Kinilala ang napatay na si Chairman Edison Alisoso, ng Barangay Altabista habang nagpapagaling naman sa pagamutan si Chieftain Emilito Angga. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Adrian Antonio, hepe ng Bansalan PNP, pauwi na sana ang mga biktima mula sa bahay ni vice mayoral bet na si Edwin Reyes. Sinabi ni Bansalan Mayor Reyes na election related violence ang naganap na pananambang sa mga biktima na kanyang supporter. Sinasabing may isang opisyal ng lokal na pamahalaan ang nagalit sa biktima matapos ang campaign rally sa nabanggit na barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with