^

Probinsiya

Mag-ina inutas ng mister saka nag-suicide

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines- Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagbabarilin ng mister saka ito nagbaril sa sarili sa Barangay San Gabriel, bayan ng Ge­neral Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ang mag-ina na sina Mary Ann Bellen, at Hyacinth Colia Bellen,14.

Hindi naman idinamay ang isa pang anak na si Kisha Bellen na mga nakatira sa Barangay San Gabriel sa nasabing bayan.

Nagbaril sa sarili at namatay ang ka-live-in ni Mary Ann na si Julimar Gomez.

Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, rumesponde ang mga operatiba ng pulisya  matapos makatanggap ng ulat na may narinig na mga putok ng baril sa bahay ng pamilya Bellen sa nasabing barangay.

Gayunman, tinangkang pasukin ng pulisya ang bahay ng mga biktima pero nakarinig sila ng dalawang putok ng baril.

Nang pasuking muli ang bahay ay bumugad ang mag-inang duguan at ang mister kung saan narekober ang iba’t ibang ATM card at ang cal.38 revolver na ginamit sa pamamaslang.

Nabatid na ang mag-asawa ay nagpapautang ng malaking halaga kung saan ang mister ay sinasabing lulong sa pagsasabong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with