^

Probinsiya

Mayoralty bet inireklamo ng vote buying

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang mayo­ralty candidate matapos itong akusahan ng vote buying sa naganap na insidente sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, rumesponde ang Dagupan City PNP  sa pamumuno ni P/Supt. Christopher Abrahano kaugnay ng illegal na vote buying sa Lucao District dakong alas-4:30 ng hapon.

Ang inireklamo ay kinilalang si Vice Mayor Pete Merrera  ng Binmaley, Pangasinan na kalahok sa mayoralty race.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa vote buying sa nasabing lugar na dinagsa ng mga residente.

Samantala, bunga rin ng insidente ay nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar bunga ng mga taong dumagsa  sa illegal na aktibidades ni Merrera para makakuha ng boto.

“We responded to the alleged vote-buying  wherein Vice Mayor Pete A Merrera ng Binmaley, Pangasinan and running for mayoralty race of said town was allegedly gi­ving a certain amount of cash/money to the residents, kung saan sinasabing ang bayaran ay isinagawa sa bahay ni Merrera.

Gayunman, pinigilan ng mga supporter ng mayoralty candidate ang mga pulis na makapasok sa compound ni Merrera.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with