Bike vs SUV: 2 todas
NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na SUV sa kahabaan ng General Santos Drive sa Barangay Carpenter Hill sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga namatay na sina Pastor Welbert Posadas Plicer, 45; at Angelyn Maranao Eding, 25, kapwa nakatira sa Tubi Allah, Surallah, South Cotabato. Tumakas naman ang driver ng itim na pick-up (NPO 663) matapos ang insidente subalit sumuko ito sa Tupi PNP. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang dalawa mula sa motorsiklo habang nawasak naman ang harapang bahagi ng SUV na patungo sana sa General Santos City.
- Latest