^

Probinsiya

Binata natagpuang laslas ang leeg

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Laslas ang leeg at patay na nang matagpuan ng mga barangay tanod ang 18-anyos na binata na umakyat nang ligaw dakong 6:25 kamakalawa ng umaga sa Sitio Panal, Bgy. Docol, Baleno, Masbate. Kinilala ang biktima na si Michael Germina, ng Bgy. Lahong ng naturang bayan na umalis sa kanilang bahay bandang alas-5 ng hapon ng Huwebes upang puntahan ang nililigawan sa Brgy. Eastern Capsay subalit hindi na nakauwi. Ayon sa ulat, na nakarating sa Camp Ola, pinaniniwalaang napagselosan ang biktima kungkaya’t inabangan ito sa daan saka pinagsasaksak at hiniwa ang leeg sanhi ng kanyang kamatayan. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Baleno PNP upang matukoy ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with