^

Probinsiya

Bacoor enforcer nanguryente ng driver

Pilipino Star Ngayon

BACOOR CITY, Cavite, Philippines – Brutal na kinuryente ng apat na miyembro ng Bacoor Traffic Management Division (BTMD) ang driver ng pribadong van na sinasabing lumabag sa batas trapiko sa harapan ng malaking mall sa Barangay Molino, Bacoor City noong Huwebes (Feb 4).

Sa viral video na nai-post sa facebook ni Kheo Avejar, isang di-kilalang sales ma­nager na tumatayong driver at kasama nito ang pinara ng mga traffic enforcer sa harapan ng SM Molino sa Bacoor City dahil sa traffic violation.

Pinagpilitan ng mga traffic enforcer na patabihin ang minanehong van ng sales manager subalit tumanggi ito dahil wala namang nilabag na batas-trapiko.

“Wala akong violation, chief, Pasensiya na po kayo. Hindi ko alam kung bakit ako pinapara,” pahayag ng dri­ver sa mga traffic enforcer.

Gayon pa man, nagalit ang isa sa apat na enforcer dahil sa pagmamatigas ng driver.

 “Pinapagilid ka lang para mag-usap tayo. Napaka­tigas talaga ng ulo mo. Ka­nina ka pa,” sabi pa ng en­forcer.

Maging ang pasahero ng van na nagbe-video gamit ang tablet ay tinangkang hablutin ng traffic enforcer kung saan lahat ng mga pasahero na animo’y mga kriminal.

Nang tumangging bu­maba ang driver at pasahero ay isa-isang kinuryente ng mga traffic enforcer gamit ang stunt gun.

Nagpalabas ng statement sa kanyang official Facebook account kahapon si Bacoor City Mayor Strike Revilla na ang mga traffic enforcers sa viral video ay kasalukuyang sinuspendi habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Pinaniniwalaan namang pangongotong ang isa sa dahilan ng mga traffic enforcer kaya pinatatabi ang driver ng van kahit walang nilabag na batas-trapiko.

“Dapat sa apat na traffic enforcer na nanguryente ay ilathala ang mga larawan sa lahat ng dyaryo para makilala ng taumbayan,” pahayag ng isang motorist na tumangging magpabanggit ng pangalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with