^

Probinsiya

Anak dedo sa taga at palo ng ama

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BUENAVISTA,QUEZON, Philippines – Namatay noon din ang isang 24-anyos na magsasaka matapos na siya ay pagtatagain at paluin ng kanyang sariling ama naganap kamakalawa ng gabi sa kanilang bukid sa Barangay Lilukin ng bayang ito.

Ang biktima na tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan at basag ang bungo ay kinilalang si Mark Jay Navera.

Habang ang suspek na ama nito na si Rodolfo Navera, 54 ay agad naaresto.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-6:40 ng gabi ay kapwa nasa bukid ang mag-ama at pinag-uusapan ang gagawin nila kinabukasan nang sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ang mga ito mainitang pagtatalo.

Tumalikod ang anak para hindi na humaba ang pagtatalo nilang mag-ama, subalit agad siyang pinalo sa ulo ng matigas na bagay ng ama.

Nang humandusay sa damuhan ay pinagtataga pa ito ng ama hanggang sa tuluyang mamatay.

vuukle comment

AMA

ANG

BARANGAY LILUKIN

HABANG

ITO

LUMALABAS

MARK JAY NAVERA

NAMATAY

NANG

RODOLFO NAVERA

TUMALIKOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with