^

Probinsiya

Misis, lover naaktuhan ng mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang mi­sis at ang lover nito matapos na maaktuhan na magkasiping sa bahay ng kaibigan ng ginang sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang kinasuhan na sina Luz Ganal-Pacardo ng San Antonio, Poblacion; at Elorden Buban, 26.

Sa ulat ni Camarines Sur PNP Director P/Senior Supt. Primo Golingay, dakong alas-12:30 ng mada­ling araw ng maaktuhan ng 34-anyos na mister na si Danny Pacardo ang kanyang misis at lover nito sa bahay ni Marcela Acabado-Laorsa sa Zone-6, Barangay La Opi­nion sa nabanggit na bayan.

Sa salaysay ni Danny, napatunayan na totoo ang tsismis na kumakalat sa kanilang barangay kaugnay sa bawal na relasyon ng magkalaguyo.

Lingid sa kaalaman ng misis ay matagal ng naghihinala ang mister nito sa kakaibang ikinikilos hanggang sa manmanan ang kilos nito at maaktuhan sa kataksilan.

Agad namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay at pulisya ang napendehong mister at ipinaaresto ang magkalaguyo bandang alas-3 ng mada­ling araw.

Nahaharap ngayon sa kasong adultery ang magkalaguyo na kapwa na humihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY LA OPI

CAMARINES SUR

DANNY PACARDO

DIRECTOR P

ELORDEN BUBAN

JOY CANTOS

LUZ GANAL-PACARDO

MARCELA ACABADO-LAORSA

PRIMO GOLINGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with