^

Probinsiya

9-anyos nene niluray, binale ang leeg

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 9-anyos na nene matapos itong halayin ay binali pa ang leeg ng ‘di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa droga sa bayan ng San Narciso, Quezon kamakalawa.

Sa kahilingan ng mga kaanak ng biktima sa pulisya ay itinago ang pangalan nito na Nicole, Grade 2 pupil habang patuloy naman nanga­ngalap ng impormasyon ang pulisya para makilala ang suspek.

Base sa ulat, huling namataang buhay ang biktima dakong alas-8 ng umaga kung saan nagpaalam ito sa kanyang ama na maliligo lamang sa ilog na may ilang metro ang layo sa kanilang bahay bago pumasok sa school.

Gayon pa man, nagtataka ng ama dahil nakalipas na ang tanghalian ay hindi pa ito bumabalik kaya naman sinundan sa sinabing lugar.

Dito na bumulaga sa ama ang kanyang anak na walang saplot sa ibabang katawan, bale ang leeg at nakahandusay sa tabi ng ilog habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AMA

BIKTIMA

DITO

GAYON

HABANG

ILOG

NAMAN

QUEZON

SAN NARCISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with