20 sugatan sa tumilapong bus sa Benguet
MANILA, Philippines - Dalawampung katao ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyang pampasaherong bus sa bangin sa Benguet ngayong Martes.
Ayon sa mga ulat, minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima na kaagad naisugod sa Baguio General hospital.
Lumabas sa imbestigasyon na iniwasan ng Victory Liner bus ang nag-overtake na kasalubong na trak bandang 3:45 ng umaga sa Marcos Higway sa Sitio Umesber, Taloy Sur, Tuba, Benguet.
Sa pag-iwas ng bus ay nahulog ito sa 10-talampakang bangin.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
- Latest