^

Probinsiya

Sanggol, 3 pang paslit na kapatid patay sa sunog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Apat na paslit na magkakapatid kabilang ang isang sanggol na lalaki ang nasawi makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang ta­hanan sa  Brgy. Sta Rosa II, Marilao City, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

 Kinilala  ang mga nasa­wing biktima na sina Jeery Ann Aican Sotayco, 4 anyos; Jemerie Sotayco, 3 anyos; Ashly Jane Sotayco, 2 anyos at ang bunsong si Jeremy Sotayco, 2 buwang sanggol.

 Ayon kay Chief Inspector Cherry Lou Donato, Spokesperson ng Central Luzon Regional Police, naganap ang sunog sa tahanan ng mga biktima sa Mary Grace Subdivision, Brgy. Sta Rosa 2, Marilao City dakong alas-8 ng gabi.

 Sa imbestigasyon, iniwan ng ina ng mga biktima ang kaniyang apat na anak na may nakasinding kandila habang mahimbing na natutulog ang mga paslit. Nabatid na walang kuryente sa lugar ng mangyari ang insidente.

 Gayunman, nang bumalik ang ina ng mga bata ay nagliliyab na ang buong kabahayan. Naapula naman ang sunog bandang alas-9:23 ng gabi matapos na magresponde ang mga bumbero sa lugar.

 Ang apat na bata ay pawang nagtamo ng 3rd degree burn bunga ng insidente na unang isinugod sa Saint Michael Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital kung saan ang mga ito pawang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa inisyal na pagsisiyasat, natumba ang kandila na siyang pinagmulan ng sunog na tumupok sa tahanan ng pamilya.

vuukle comment

ASHLY JANE SOTAYCO

BRGY

CENTRAL LUZON REGIONAL POLICE

CHIEF INSPECTOR CHERRY LOU DONATO

JEERY ANN AICAN SOTAYCO

JEMERIE SOTAYCO

MARILAO CITY

STA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with