^

Probinsiya

60-anyos dedo sa akyat-bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Patay agad ang 60-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na hinihinalang mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Sitio Centro, Barangay Paiisa sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal.9mm pistol sa ulo, dibdib at tiyan ang biktimang si Rodrigo Arias ng nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, abalang nag-aayos ng paninda sina John Marquez at Jaime de Ocampo sa gilid ng kalsada nang dumating ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng pinaghalong camouflage. Tinutukan umano ng baril ang dalawa saka pinadapa at dahil sa ingay sa labas ng bahay ay sumungaw sa terrace ang biktima subalit sinalubong siya ng putok. Matapos isagawa ang krimen ay palakad na tumakas ang gunmen tangay ang mga personal kagamitan na kinulimbat sa bahay ng biktima.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY PAIISA

JAIME

JOHN MARQUEZ

MATAPOS

NAGTAMO

OCAMPO

PATAY

RODRIGO ARIAS

SITIO CENTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with