^

Probinsiya

Van vs SUV: 7 utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito katao ang nasawi  habang walo pa ang na­sugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang pampasaherong van at isang SUV sa malagim na pagsalubong sa nalalapit na kapaskuhan sa Banga, South Cotabato kamaka­lawa ng hapon.

Sinabi ni Sr. Inspector Aldrin Gonzales, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, nasawi sa insidente ang dalawang driver na sina Rene Tablazon, nagmamaneho ng pampasaherong van (MVV 270) at Abdul Daligdig, dri­ver naman ng Ford Everest SUV (NIB 794).

Kabilang pa sa mga nasawi ay ang mga lulan ng mga behikulong sina Gladys Daligdig, Mary Joy Panes, Leonie Panes, Lorna Nicor at isang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Mae Tabara, Rodelyn Tabara, Joven Nicor, Rose Nicor, Loris Jane Tamoil  at isang hindi pa nakilala; pawang sakay ng Nissan Urvan passenger van. Ang iba pa ay sina Alonto Macarambon, Aidam Laurea at Casim Daligdig.

Bandang alas-2:30 ng hapon, ayon sa opisyal ng aksidenteng magbanggaan ang dalawang behikulo sa Crossing Kipot, Brgy. Rizal, Banga, South Cotabato.

Sinasabing masyadong mabilis ang takbo ng isa sa mga behikulo na nagbunsod sa malagim na sakuna. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ABDUL DALIGDIG

AIDAM LAUREA

ALONTO MACARAMBON

CASIM DALIGDIG

CROSSING KIPOT

FORD EVEREST

GLADYS DALIGDIG

JOVEN NICOR

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with