^

Probinsiya

Cook ginilitan sa mapaklang pulutan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Pinaniniwalaang hindi nasarapan sa nilutong pulutan na sinasabing mapakla kaya ginilitan at pinagpapalo hanggang sa mapatay ng kanyang tatlong kainuman ang 50-anyos na cook sa bodega ng mais sa Barangay Siempre Viva Sur, bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa. ?

Sa police report na nakarating kay Isabela PNP Director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., kinilala ang napatay na si Armand Hernandez habang  naaresto sa follow up operations ang mga suspek na sina Jun Morales, Zaldy Agustin, at si Arnel Calma na pawang pahinante sa Abalos Grains Buying station sa nasabing lugar.?

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kinompronta ng mga suspek ang biktimang kainuman na apat na araw pa lang sa trabaho dahil sa niluto nitong pulutan na kulang sa rekado.?

Ayon sa saksi sa krimen, ginilitan ni Agustin ang biktima habang hawak ni Morales ang mga kamay.?

Tinuluyan naman ni Calma na utasin ang biktima sa pamamagitan ng pagpalo ng dos-por-dos sa ulo nito habang nangingisay.

vuukle comment

ABALOS GRAINS BUYING

ARMAND HERNANDEZ

ARNEL CALMA

BARANGAY SIEMPRE VIVA SUR

DIRECTOR P

ISABELA

JUN MORALES

SENIOR SUPT

SOTERO RAMOS JR.

ZALDY AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with