PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AFP nanindigan sa no ransom policy

Nanindigan kahapon ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ‘‘no ransom policy’’ kaugnay ng pagdukot sa Korean national na si Jae (Kwoon Yoon at isang hotel owner ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakailan sa Central Mindanao.


Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ng AFP ang paghingi ng $2M ransom ng grupo ng mga kidnappers kapalit ng pagpapalaya kina Yoon at Carlos Belonio, may-ari ng Tierra Verde Hotel sa General Santos City.


Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Victoriano Licaros, ipinalabas umano ng pamahalaang South Korea sa naturang Kagawaran na hindi sila magbabayad ng ransom at bukod pa rito ay hindi rin magpapalabas ang kanilang embahada sa bansa ng ‘‘travel advisory’’ para sa kanilang mga mamamayan na gustong pumunta sa Pilipinas.


‘‘It is not their policy to pay ransom and they are not inclined to issue an advisory because they consider it as an isolated case and they value RP-South Korea relation,’’ pahayag pa ni Licaros.


Nabatid naman sa impormasyon mula sa Asia-Pacific Office ng DFA, nagpadala na ng representante ang South Korea sa Mindanao na si Consul Chang Kung Taek ng Korean Embassy sa Manila upang ayusin ang agarang pagbawi kay Yoon. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: