^

Probinsiya

Lady trader, binaril sa kanyang tindahan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang babae na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib makaraamg barilin ng isang lalaki na naka-motorsiklo habang ang biktima ay nag-aayos ng kaniyang tindahan kahapon ng madaling araw sa bayan ng Rosario, ng lalawigang ito.

Kritikal ang kondisyon ng biktima na kinilala sa alyas na Marie, nasa hustong gulang at isang store owner.

Kinilala naman ang suspek sa alyas “Murrad” na mabilis na tumakas sakay ng isang motor matapos barilin ang biktima.

Ayon sa ulat, alas-2 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril habang ang biktima ay nag-aayos ng tindahan nito nang biglang duma­ting ang suspek sakay ng motor at walang sabi-sabing binaril ang biktima na tinamaan sa dibdib bago mabilis na tumakas.

Agad naitakbo sa Divine Grace Hospital ang biktima upang malapatan agad ng lunas.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with