Basilan mayor na nasa ‘drug list’ ni Duterte, arestado sa airport
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga NBI ang alkalde ng Basilan, Hadji Muhtamad Mayor Jamar Abdula Mansul habang ito ay papasakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Si Mansul ay kabilang sa top 3 drug lords na nag-ooperate sa Basilan at itinuturing na high value target ng pulisya at kabilang sa hawak na drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte at ika-156 personalidad na naaresto sa ilalim ng kautusan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana batay sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
- Latest