Iraqi Terrorist nadakip
MANILA, Philippines — Naaresto sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Angeles City, Pampanga ang isang 64-anyos na Iraqi terrorist na umano ay nagpaplano ng “terror attack” sa Pilipinas.
Iniharap sa mediamen ni PNP Chief P/Director Ronald “Bato” dela Rosa ang suspek na kinilalang si Taha Mohamed Al–Jabouri na naaresto kahapon ng alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay Mabalanias ng nasabing bayan.
Ayon kay Dela Rosa na inalerto ng Iraqi Embassy ang Philippine Intelligence community sa pagkakapuslit sa bansa ng suspek.
Nabatid na si Al-Jabouri ay isang chemist na may kaalaman sa paggawa ng eksplosibo at nakapasok ito sa bansa noong nakalipas na Agosto 2017 sa kasagsagan ng ginaganap na ika-31st ASEAN Summit.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Iraqi passport No. A6120599 na tumutukoy dito bilang si Taha Mohamed Al-Jabouri. Gayundin ang sari-saring mga personal na epekto at iba’t ibang mga foreign currency.
Inilarawan ng Iraqi Embassy si Al-Jabouri ay chemist na may kaalaman sa paggawa ng bomba at may kaugnayan sa militant extremist movements sa Middle East.
Inaamin rin ni Al-Jabouri na miyembro siya ng Hamas at responsable sa pagsasaayos ng rocket technology ng Hamas para pakawalan sa isang lugar sa Israel mula sa 5 kilometers patungo sa 100 kilometers.
“Yes Hamas is listed a terrorist group in the Middle East reason bakit siya pumunta dito? Right now we haven’t established yet the threat that he posed to the Philippines but considering the time of his entry into the Philippines at the height of the Marawi siege and ASEAN was ongoing so that raised the alarm by the Iraqi Embassy to alert Philippine security forces. He might be meeting with some other local terrorist groups”, anang opisyal.
Ayon pa kay Dela Rosa na noong Enero 20 ng gabi ay nakatanggap sila ng tip mula sa Brgy. Information Network (BIN) hinggil sa kahinahinalang presensya ng dayuhang suspect na Arab–looking na tumugma naman sa deskripsyon at litrato ni Al –Jabouri.
Nabatid pa na si Al-Jabouri ay tumatayo ring consultant ng Hamas Organization sa Damascus, Syria at nagtungo sa Istanbul, Turkey sa 2012 kung saan iginiit nito na bumiyahe siya sa Manila upang makipagkita sa grupo ng mga negosyanteng Chinese na kukuha umano sa kaniya bilang consultant.
- Latest