^

Police Metro

Pulis at kagawad inasinta sa ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pulis at kagawad inasinta sa ulo

Ang nasawi ay kinilalang si SPO1 Teodorico Arabe Jr., 50, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit at residente ng Kalimbas St., Sta. Cruz, Maynila. File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang nakaunipormeng pulis habang kritikal ang lagay ng isang barangay kagawad matapos na sila ay barilin sa ulo ng isa sa apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si SPO1 Teodorico Arabe Jr., 50, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit at residente ng Kalimbas St., Sta. Cruz, Maynila.

Kritikal ang lagay sa UST  Hospital ni Gimillano Ajon, 50, kagawad ng Brgy. 358, Zone 36 at residente ng Yuseco St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi ay magkasamang nakatayo sina Arabe at Ajon sa harap ng isang tindahan sa Yuson St., kanto ng T. Mapua St., Sta. Cruz, Maynila nang dumating ang dalawang motorsiklo sa kabilang lane ng Yuseco St., sakay ang apat na lalaki.

Bumaba ang isang angkas na may dalang baril at tumakbo palapit sa dalawang biktima na kapwa pinaputukan sila sa ulo. Habang nagsilbing lookout ang tatlong kasama.

Nang bumulagta ang dalawang biktima ay nilapitan pa ito ng mga kasamang suspek para masigurong tinamaan ang dalawa bago tumakas s patungong sa direksiyon ng LRT sa Rizal Avenue.

Rumesponde ang kaanak ni Ajon at iba pang bystanders na nagdala sa JRMMC kay Arabe, subalit idineklarang patay.

Habang si Ajon ay dinala ng kanyang mga kapatid sa UST Hospital na kasalukuyang inoob­serbahan.

Nawawala ang baril ni Arabe na dati umanong nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs ng MPD-Station 1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with