^

Police Metro

LTFRB spokesperson, nagbitiw

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbitiw bilang spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Atty. Aileen Lizada, subalit mananatili pa rin siyang board member.

Hindi naman sinabi ni Lizada ang dahilan ng kanyang pag-iwan sa puwesto bilang spokesperson ng ahensiya at wala pa namang naitatalagang bagong spokesperson ng LTFRB si Chairman Martin Delgra.

Una nang nagbitiw bilang spokesperson ng Department of Tranportation (DOTr) si dating media anchor Cherry Mercado dahilan sa umano’y  matin­ding pressure sa trabaho.

Ang DOTr ay patuloy ang kontrobersiya sa pagkakaroon ng aberya ng MRT 3 at  sa mga kontratang pinasok ng ahensya ng nagdaang administrasyon tulad ng pagbili ng bagong bagon ng tren sa ibang bansa.

Habang sa LTFRB ay mainit ang usapin ng public utility vehicle modernization na nagdulot ng pagphase out sa mga lumang jeep.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with